Skip to main content

Posts

Regine Velasquez, nakiusap sa kanyang bashers, "Stop insulting me..."

Hindi pa rin natitigil ang pamba-bash kay Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid kaugnay ng paglipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA Network. Mas tumindi pa ito nang matalo sa AGB ratings ang mga palabas kung saan siya nag-guest nitong Linggo, October 28. Tinalo ng Sunday Pinasaya ang ASAP in Sydney, kung saan unang nagka-public appearance si Regine bilang Kapamilya. Bigo rin sa ratings game ang GGV, kung saan special guest ang batikang singer.  Kaya naman sa kanyang Instagram account nakiusap na si Regine: "Dear bashers, I’m truly happy for GMA Congratulations to everyone in SPS and KMJS. And I’m happy you guys are happy. But just a suggestion total sinasabi nyong lahat na hindi ako kailang ng GMA, sinabihan nyo ako na wala akong utang na loob walang akong loyalty ( apparently 20 years can not be considered being loyal )na muka akong pera.Maybe you guys can stop insulting me my husband and my son. Lumipat lang po ako ng network hindi ako pumatay ng tao. Again I’m grateful...
Recent posts

Derek Ramsay, sinagot na ang napapabalitang paglipat sa GMA!

Nagsalita na sa wakas ang aktor na si Derek Ramsay tungkol sa tsismis na magbabalik-Kapuso na siya. Panoorin dito ang kanyang sinabi: View this post on Instagram Is Derek Ramsay transferring to GMA Network? Watch his answer here: A post shared by Mosang Tsismosa (@mosangtsismosa) on Oct 28, 2018 at 5:01am PDT Bago makilala bilang Kapamilya aktor, unang nakita si Derek bilang baguhang host noon sa Eat Bulaga. Naging Kapatid actor din siya ng ilang taon.

MEET: Erich Gonzales's new boyfriend Mateo Lorenzo

Narinig mo na ba ang latest, mars? Rich kid pala ang bagong boyfriend ni Erich Gonzales. Ang tsikang nakarating sa akin, isa siyang parte ng mayamang angkan ng mga Lorenzo. Ang pamilya Lorenzo ang dating nagmamay-ari ng Pancake House, Yellow Cab, Le Coeur De France, Dencio’s, Teriyaki Boy, Singkit, Sizzling Pepper Steak, Kabisera, the Chicken Rice Shop, and Maple. Sa ngayon ay nasa sugar milling business na ang pamilya Lorenzo, na may malaking bahagi ng shares sa Central Azucarera de Tarlac. Base sa aking pananaliksik sa Google, ha-ha-ha, ang rumored boyfriend ni Erich na si Mateo Lorenzo ay nagtapos ng kursong BS Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong 2014. Ang 24-year-old bachelor ay isa ring equestrian at polo player. Madalas siyang mag-ensayo sa Manila Polo Club, alam n'yo na mga mars. Wait there's more! Kapatid ni Mateo ang boyfriend naman ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo, na isa namang golfer.

Billy Crawford at Coleen Garcia, kinasal na?

Mga ka-chika! Ikinasal na nga ba sina Billy Crawford at Coleen Garcia? Parang ito yung pa-blind item nina Mike Enriquez, Arnold Clavio, at Ali Sotto sa programa nila kanina sa dzBB. Unang hula ni Ali ay sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, na inilabas na sa mga tabloid at entertainment news website very recently. Pero katulad ni Ali, mukhang kuryente ang mga nagsulat ng wedding daw nina John Lloyd at Ellen. Hindi ba't nag-Japan pa ngayon ang dalawang mag-jowa? May mga guess pa na baka doon ang honeymoon nina John Lloyd at Ellen. Sina Billy at Coleen ang hula ng karamihan ng Twitter followers ng dzBB sa #Sino nina Igan, Ali, at Mike. Paano ba naman, ang clue songs nila ay "Billy Jean" at "Call Me," giveaway masyado, di ba? Narito na ang trio na sina Ali Sotto, Arnold Clavio at Mike Enriquez para sa isang makabuluhang diskusyon na may kasamang hulaan sa #SINO ? dito lamang sa @dzbb at #DobolBSaNewsTV na #RadyoNaTVPa . Audio stream: https:/...

Aljur Abrenica at Robin Padilla, nagkita na!

Tamang-tama, mars, ang pa-#happiness ni Kylie Padilla sa moment ng pagkikita ng tatay niyang si Robin Padilla at boyfriend na si Aljur Abrenica. Naging daan talaga ang anak ng dalawang young actors para mapalambot nang kaunti ang matigas na puso ni Binoe. Remember, galit na galit siya kay Aljur dahil parang di niya nakikitang may plano siyang pakasalan ang pangalawa niyang anak na babae. Ikinumpara pa niya ang relasyon ng dalawa sa relasyon ng panganay niyang si Queenie at non-showbiz hubby, di ba, na agad hiningi ang kanyang pahintulot para magpakasal. Sa pagkikita nilang ito, ibig sabihin kaya ay malapit na ang kasalang Kylie at Aljur? Abangan na lang natin ang susunod na kabanata, ses.

Mark Bautista, confirmed ang bromance sa isang actor?!

Marse! Ano itong mga naglalabasang write up tungkol sa ilalabas na libro ni Mark Bautista? Ito ang chika ng entertainment reporters, na diumano'y nakakuha ng ilang pahina ng ipi-print pa lamang na librong Beyond the Mark . Idinetalye raw ni Mark sa isang chapter ng libro ang naging "bromance" nila ng isang kilalang aktor. 😲 Heto ka, chinika ni Mark na twice sila naging intimate ng kanyang guy friend! 😲 Sinubukan daw nila huwag nang maulit ang mga nangyari ngunit... dumating ang di malilimutang "one druken night" with the actor. Ayon sa kwento ni Allan Diones sa Pak! , magkakasamang lumabas umano sina Mark, guy friend, at girlfriend nito. Up now on my site! ➡️ https://t.co/RdfmbtuQ4h ❗️ EXPLOSIVE!!! ❗️❗️❗️ 'CONFIRMED! MARK BAUTISTA reveals… https://t.co/jMgDnsWyVM — allan diones (@allan_d) February 6, 2018 Naunang umuwi si GF from the party. Ang siste si Mark at aktor friend ay nalasing at sabay na umuwi... sa bahay ni aktor. As expec...

Banat ni Karla Estrada kay Chokoleit, hindi nagustuhan ng netizens

Naku, momshies, parang bumalik kay Karla Estrada angsimpleng pangungutya niya sa hitsura ni Chokoleit nang mag-guest ang huli sa morning talkshow na Magandang Buhay last week. Sa video na in-upload sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, marami ang pumuna sa nanay ni Daniel Padilla dahil sa mga binitawan niyang salita tungkol kay Chokoleit. Napag-usapan kasi ang pagiging ninang/ninong ni Chokoleit sa anak nina Pokwang at Lee O' Brian na si Malia. Ito yung parte na kinainisan ng netizens: Karla Estrada: Di ba sa fairy tales, yung mga fairy... Although hindi ka naman mukhang fairy.  Melai Cantiveros: Uy, bakit naman ganun, guest natin 'yan.  Chokoleit: May ganun, disguise, kunwa-kunwari. Di ba sa fairytales, yung mga mukhang mahihirap, yun ang nagbibigay ng power kasi tinulungan, ganun.  Karla Estrada: Sige, pagbbibigyan kita dahil guest ka. Parang ayaw tantanan ni Karla, mga momshies, ang hirit niya kay Chokoleit kaya naimbey ang netizens. Look ...