Skip to main content

MEET: Erich Gonzales's new boyfriend Mateo Lorenzo

Narinig mo na ba ang latest, mars?

Rich kid pala ang bagong boyfriend ni Erich Gonzales. Ang tsikang nakarating sa akin, isa siyang parte ng mayamang angkan ng mga Lorenzo.


Ang pamilya Lorenzo ang dating nagmamay-ari ng Pancake House, Yellow Cab, Le Coeur De France, Dencio’s, Teriyaki Boy, Singkit, Sizzling Pepper Steak, Kabisera, the Chicken Rice Shop, and Maple.

Sa ngayon ay nasa sugar milling business na ang pamilya Lorenzo, na may malaking bahagi ng shares sa Central Azucarera de Tarlac.

Base sa aking pananaliksik sa Google, ha-ha-ha, ang rumored boyfriend ni Erich na si Mateo Lorenzo ay nagtapos ng kursong BS Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong 2014.

Ang 24-year-old bachelor ay isa ring equestrian at polo player. Madalas siyang mag-ensayo sa Manila Polo Club, alam n'yo na mga mars.


Wait there's more! Kapatid ni Mateo ang boyfriend naman ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo, na isa namang golfer.


Comments

Popular posts from this blog

Martin del Rosario starts journey as Barbs in Born Beautiful

Mga baks! Heto na ang teaser para sa Born Beautiful , ang spin-off ng hit movie na Die Beautiful. Photo by: @mart_drosario on Twitter Pagbibidahan ito ni Martin del Rosario at may special participation pa rin si Paolo Ballesteros, ang bidang si Tricia Echeverria na nategi sa ending ng Die Beautiful . Originally, ginampanan ni Christian Bables ang character na si Barbs, na BFF ni Tricia. Pero ang chika ay may misunderstanding between Christian and dating talent managers niya, na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. Kaya ayun, hindi na siya ang gaganap sa spin-off series. Ang company nilang Idea First ang main producer ng Die Beautiful at nitong spin-off na Born Beautiful . Anyway, kahit second choice na si Martin, todo-bigay pa rin siya para sa kanyang gagampanang role. In fact, alam naman nating super hairy style itong si Martin kaya nagpa-wax ang hitad para very in character siya as Barbs. Ang sakit lang panoorin ng videos niya sa IG Story niya recently

Banat ni Karla Estrada kay Chokoleit, hindi nagustuhan ng netizens

Naku, momshies, parang bumalik kay Karla Estrada angsimpleng pangungutya niya sa hitsura ni Chokoleit nang mag-guest ang huli sa morning talkshow na Magandang Buhay last week. Sa video na in-upload sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, marami ang pumuna sa nanay ni Daniel Padilla dahil sa mga binitawan niyang salita tungkol kay Chokoleit. Napag-usapan kasi ang pagiging ninang/ninong ni Chokoleit sa anak nina Pokwang at Lee O' Brian na si Malia. Ito yung parte na kinainisan ng netizens: Karla Estrada: Di ba sa fairy tales, yung mga fairy... Although hindi ka naman mukhang fairy.  Melai Cantiveros: Uy, bakit naman ganun, guest natin 'yan.  Chokoleit: May ganun, disguise, kunwa-kunwari. Di ba sa fairytales, yung mga mukhang mahihirap, yun ang nagbibigay ng power kasi tinulungan, ganun.  Karla Estrada: Sige, pagbbibigyan kita dahil guest ka. Parang ayaw tantanan ni Karla, mga momshies, ang hirit niya kay Chokoleit kaya naimbey ang netizens. Look at the