Skip to main content

Martin del Rosario starts journey as Barbs in Born Beautiful

Mga baks! Heto na ang teaser para sa Born Beautiful, ang spin-off ng hit movie na Die Beautiful.

Photo by: @mart_drosario on Twitter

Pagbibidahan ito ni Martin del Rosario at may special participation pa rin si Paolo Ballesteros, ang bidang si Tricia Echeverria na nategi sa ending ng Die Beautiful.



Originally, ginampanan ni Christian Bables ang character na si Barbs, na BFF ni Tricia.

Pero ang chika ay may misunderstanding between Christian and dating talent managers niya, na sina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan.

Kaya ayun, hindi na siya ang gaganap sa spin-off series.

Ang company nilang Idea First ang main producer ng Die Beautiful at nitong spin-off na Born Beautiful.

Anyway, kahit second choice na si Martin, todo-bigay pa rin siya para sa kanyang gagampanang role.

In fact, alam naman nating super hairy style itong si Martin kaya nagpa-wax ang hitad para very in character siya as Barbs.

Ang sakit lang panoorin ng videos niya sa IG Story niya recently habang wina-wax siya.

Watch n'yo here:

Comments

Popular posts from this blog

MEET: Erich Gonzales's new boyfriend Mateo Lorenzo

Narinig mo na ba ang latest, mars? Rich kid pala ang bagong boyfriend ni Erich Gonzales. Ang tsikang nakarating sa akin, isa siyang parte ng mayamang angkan ng mga Lorenzo. Ang pamilya Lorenzo ang dating nagmamay-ari ng Pancake House, Yellow Cab, Le Coeur De France, Dencio’s, Teriyaki Boy, Singkit, Sizzling Pepper Steak, Kabisera, the Chicken Rice Shop, and Maple. Sa ngayon ay nasa sugar milling business na ang pamilya Lorenzo, na may malaking bahagi ng shares sa Central Azucarera de Tarlac. Base sa aking pananaliksik sa Google, ha-ha-ha, ang rumored boyfriend ni Erich na si Mateo Lorenzo ay nagtapos ng kursong BS Management Engineering sa Ateneo de Manila University noong 2014. Ang 24-year-old bachelor ay isa ring equestrian at polo player. Madalas siyang mag-ensayo sa Manila Polo Club, alam n'yo na mga mars. Wait there's more! Kapatid ni Mateo ang boyfriend naman ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo, na isa namang golfer.

Mark Bautista, confirmed ang bromance sa isang actor?!

Marse! Ano itong mga naglalabasang write up tungkol sa ilalabas na libro ni Mark Bautista? Ito ang chika ng entertainment reporters, na diumano'y nakakuha ng ilang pahina ng ipi-print pa lamang na librong Beyond the Mark . Idinetalye raw ni Mark sa isang chapter ng libro ang naging "bromance" nila ng isang kilalang aktor. 😲 Heto ka, chinika ni Mark na twice sila naging intimate ng kanyang guy friend! 😲 Sinubukan daw nila huwag nang maulit ang mga nangyari ngunit... dumating ang di malilimutang "one druken night" with the actor. Ayon sa kwento ni Allan Diones sa Pak! , magkakasamang lumabas umano sina Mark, guy friend, at girlfriend nito. Up now on my site! ➡️ https://t.co/RdfmbtuQ4h ❗️ EXPLOSIVE!!! ❗️❗️❗️ 'CONFIRMED! MARK BAUTISTA reveals… https://t.co/jMgDnsWyVM — allan diones (@allan_d) February 6, 2018 Naunang umuwi si GF from the party. Ang siste si Mark at aktor friend ay nalasing at sabay na umuwi... sa bahay ni aktor. As expec...

Sarah Geromimo, balik Big Dome!

Naku, maraming Popsters ang nagulat sa announcement ng Viva Entertainment sa Twitter kagabi--may pa-concert ang prized talent nitong si Sarah Geronimo! Mula sa maliit na concert venue na Kia Theater noong 2016, balik Big Dome na ang Popstar Royalty para sa kanyang 15th anniversary concert na This 15 Me sa April 14. Ma-sold-out pa rin kaya ito katulad ng mga nakaraang concert ni Sarah? Well, kilaala namang gumagastos ang fans ni Sarah para sa mga ganito. Abangan na lang natin!